good morning guys! with his permission to have this piece posted here....
read on...
(yung mga follower dyan magpa-member na rin kasi kayo para makapag comment)
27 july 2009
Hi guys!
We were at the airport at 11:00 am last july 26, 2009. I was anticipating the usual traffic in imus. cavite all the way to coastal road due to road repairs so sa takot na ma late, I asked lerma we come early rather than late. Our flight was scheduled at 4:00 pm. We were the first people to check-in with 9 boxes and 1 suitcase. Luckily our baggage averaged at 22.6 kilos each. the limit is 23 kilos for each box. The packing of things took about 2 and a half weeks and we were packing an unpacking till the last hour of july 26. in addition, we had 5 carry-on bags, one lap top, jackets na bitbit namin and 3 paper bags containing Pringles, chocolates and other food items. Takot kasi magutom sa byahe.
After we checked in our baggage, I asked lerma and the kids to go out and meet her relatives for the last time. Noon pa lang, nagiiyakan na ang mga bata parang nag sinked in na talagang paalis na kami for good. During our light moments while waiting for our flight nag comment ang youngest son ko bakit daw ganoon, basta na lang daw tumutulo luha nya sabi ko na lang ganoon talaga kasi malungkot siya at aalis na kami. Actually nag emote din ako the night before parang eto na nga. Maiiwan ko na ang pilipinas ang mga mhal ko sa buhay hehehehe. During the time nga na nag uusap kami ng son ko parang may nakapasak sa lalamunan ko hehehehe, tahmik na lang syempre hehehehe ako ang tatay tapos ako ang nag iiyak sa huli hahahaha. It also dawned on me na totoo na pala ito. Parang nakalutang lang ako sa ulap and going with the flow.
The flight to Vancouver was very smooth except for some lubak lubak hehehe. I was praying na hindi maging traumatic experience sa mga anak ko ang flight to Vancouver . Puro pinoy ang sakay going to Vancouver and yung mga bumaba sa Vancouver e puro new immigrant families sa Canada . Maganda sa Vancouver pero mainit, malaki ang airport and as usual una na naman kami nag check in after going through the immigration.
From the Philippines to Vancouver , harassed ako sa dami ng boxes, may game plan pa like si lerma doon, yung eldest ko dito yung other kids watching over yung other things. Kaya pagod na pagod ako, imagine yung boxes na bubuhatin yung takot, kaba at the prospect na ma disqualify ng immigration officer naghalo halo na. pinagtatawanan nga ako ng pamilya ko hehehehe.
Actually I was the second family who went through the immigration process sa Vancouver airport. Mga 30 filipono families kami. I was asked to sit down after some questioning then when my name was called again the officer asked me paulit ulit kung married daw ba kami ni lerma, common law ba? Yun pala may certificate of permanent resident stated na single ako hehehehe. Then I was asked how much money I have with me and yun na tapos na. wala naman mga nakakapanindig balahino na queries. Sa vancouver pa lang nagulat na ako kasi ang daming pinoy, chinese, Indian at iba pang lahi. Sino ba talaga mga Canadian dito kasi even sa airport personnel kung hindi chinese, pilipino e indian pati immigration officers.
Nakatulog kaming mag anak sa bench ng B12 for Edmonton . Nung malimpungatan ako, haba na pala pila at narinig ko na only about 50 passengers will be accommodated daw. Hala natakot ako at pila agad, imagine baka kami makasama doon sa excluded passengers e saan kami matutulog - sa airport? Mahal yata accommodation doon. Doon ko na realized e business class kami (promo na nakuha namin). Kaya lang inside the plane may hassle na naman kasi there was this guy who was occupying my seat. I was asked to take another seat at the back of lerma and my son kasi hiwa hiwalay kami ng upuan. Smooth din ang ride to Edmonton . We were given 3 kinds of cheese, two packed crackers, grapes and walnuts. I asked for water na lang to down the cheese na masarap pala. Yung sa pal nga parang ako ang umubos ng pagkain ng mga anak ko lumabas na naman ang scavenger instinct ko.
Since delayed ang flight namin for Edmonton , we reached the city at 10:30 pm pero parang 6 pm lang. sa Vancouver nama 6 pm na pero akala mo 3 pm pa lang e taas kasi araw.
Sinundo kami ng friend ko si ruel with his two friends after getting our baggage alis na kami, nandun nga sila sa loob ng terminal helping us get our boxes hehehe parang wala akong security officer na nakita sa loob ng airport.
Finally gabi na nga sa edmonton at 10:30 pm kaya lang pang mga 7 pm pa lang. malaki ang buwan na last quarter, malalaki ang kalsadaat mabibilang mo lang ang mga cars along the highway, walang traffic, mabango ang hangin at malamig. Lam mo yun yung expectations mo e tama lahat. Then kamustahan with ruel and alma , inuman ng beer update ng mga news back home and prospects of getting a new home and job.
It so happened that the house beside ruel was under renovation kasi kaaalis pa lang ng tenant. So doon muna kay ruel nag stay. I woke up at 5 am pero tirik na ang araw parang 8 am na. labas ako ng bahay kasi I saw alma ’s father outside. Balik agad ako kasi ang lamig pang baguio sa umaga. Pero summer pa ditto ha. After breakfast, ruel accompanied us sa mga basic institutions we have to connect. We got our SIN, medical insurance, application for child tax benefit (parang pension na binibigay sa mga bata) to be mailed later and opened an account in one day parang half day nga lang kasi nag ikot na rin kami. The people behind the counter were very efficient, systematic at willing and ready to serve with a smile parang na culture shock ako after going thru with our pag-ibig funds and other government documents/papers before leaving the philippines . Hayyy, plus factor kasi parang up to this time iniisip ko tama ba na umalis ako ng pinas at ipagpalit ko buhay ko para sa canada . Sa bangko naman walang security guard/ parang tulad ng kumukuha ako ng health insurance pila lang then if its your turn batiin ka ng hello? how are you? Syempre Canadian way ang sagot ko, I’m good, thank you (narinig nyo accent ko?)
Pagbalik namin after we opened an account, akala ko artista yung officer discussing with us yung mga savings and checking account kasi hollowoodish ang dating, we went sa townhouse management officer and gave us the unit beside ruel kaya lang it is still under renovation nga inaalis ang carpet, pintura - the works. So most likely mga august 15 na kami makakalipat pero maganda naman ang offer nya kasi September na lang babayaran namin at CAD$1,099.00 exclusive of utilities with ref, oven at washing machine and dryer at dish dryer. May basement the same size as the flor area above and three bedrooms. May dining area at mga compartments for the clothes and other mga gamit. May provision for cable and internet. Maganda ang location namin near the bus stop, yung biggest mall daw in Canada at sa schools. Trabaho na lang ang kulang. Nakakita si lerma sa hospital ng opening and she plans to go there sometime this week sabi ko nga sige, you should look for a job now para sa bahay na lang ako hehehehe.
Then yung surroundings nga pala walang basura, ang linis, walang usok ng tambutso, walang traffic, 3 cars na magkakadikit traffic na daw. Nasa west kami ng Edmonton so pinakamaganda daw ito, city sya pero hindi congested. Layo layo bahay beside sa katabi naming bahay sa isang unit with four dwelling units ang susunod na unit malalayo parang 100 to 200 meters. Magsalit ka nga sa labas nag e echo kakagulat e ito pa kayang boses ko kaya nga ayoko humalakhak at baka magpadala ng ambulance ang 911. yung biggest mall nila, parang magallanes center sa makati ditto, ay ang tanda na baka walang maka relate, hehehe papasukin ko pa kung ano nasa loob. Magkwento ako. So far wala pa akong kapalpakan na nagawa except sa minsan hindi ko maintindihan sinasabi e kasi nga bingi naman talaga ako ano? Hehehe secret po yan, bingi ako hahahahaha, mahusay lang magdala hehehehe.
The rest of the week siguro puro trabaho ang hahanapin ko, will try to get Canadian work experience muna then look for jobs that match my skills (skills daw o). kausapin ko muna si ruel regarding financial sharing while staying sa house nya, kakahiya din kasi, limang bibig kami na gagamit ng mga utilities nya. By the way nasa basement muna kami ngayon. Ang lamig, sarap matulog. Yung mga bata excited pa rin pero yung youngest ko parang magkakaproblema ako e kasi mas gusto nya raw sa pilipinas, kaya nga hinahayaan ko lang mag internet at para malibang.
9 pm na dito pero parang 4 pm pa lang. another day tomorrow another discovery siguro and anticipating what Canada and its opportunities will offer to me. In the meantime, enjoy muna ang mga pleasant things that go with first timers like me.
O siya, dito na lang po at magandang gabi sa inyong lahat.
ronald