Thursday, April 16, 2009

Second Meeting......

Hi Batch One,

We need to have second meeting in order for us to finalize our much-awaited "Grand Reunion"....
We can meet halfway, since most of you 'yata' ay nasa QC area, we can meet somewhere in Ortigas - Megamall area, or Shangri-La sa Shaw Blvd...
Alam naman nating lahat na busy tayo - - sino bang hindi ?- - we need to fix our schedule ahead of time, para kung nais nating matuloy ito, magawan ng bawat isa ng paraan..
If you're OK, here is the tentative schedule for the 2nd meeting:
When: April 24, 2009, Friday
Time: After office hours
Where: Kahit saan basta mura - - he he he (OK lang daw kay Connie kahit McDo")
Siguro, kahit sa Food Court na lang sa Shangri-La (at least Shangri-La) may Jollibee at McDo naman dun e..

Connie: Ikaw na bahala kina Elcid, at yung iba mo pang contact, if they can join, better.
Sydric: Ikaw na bahala mag inform kay Rod Navarro (Edmond) :-) Sana kung mapuntahan ninyo sina Lourdes, Veron at Espie - - mas maganda sana di ba?

Then text text na lang...for confirmation. Medyo malayo pa ang April 24, 2009, so sana maayos na natin ang ating mga schedule, di ba? Lahat tayo ay mga pamilyado na, pero magagawan natin ito ng paraan (Ako nga wala pa ring yaya yung anak ko - - waaahhhh - - Sydric nahanapan mo na ba ako? Iniiwan ko lang sa mga tambay sa kanto yung 1 year old son ko!!)

4 comments:

  1. oo nga naman kahit mcdo pwede na.

    ReplyDelete
  2. Sana naman maraming pumunta....

    Pero sana wag friday baka pwedeng kahit Saturday nalang afternoon para mas mahaba ang kwentuhan natin kasi pag friday normally yan gabi na ang meeting tapos magmamadaling umuwi ang iba at least pag Saturday afternoon kahit hangan 8 pm ok lang.. Para makapag laba pa sa gabi wheeeeee....

    Kung Ok lang naman pero kung d pwede Ok na rin ako sa friday....

    Meaane wala pa meng makuha na yaya eh maaarte ang mga nakakausap ko.. tyage muna sa mga tambay sa inyo pa unumin mo nalang yang mga yan at Ok na yan.....

    Si Rod Navarro (Edmond)Parang Busy masyado d ko lang alam kung sa work o may inaasikasong iba ang mokong d ko nga mahagilap eh....

    ReplyDelete
  3. OO nga pala yung mga iba na d nakarating nung unang meeting sana naman makarating sila.....

    ReplyDelete
  4. Sana nga Saturday pero kung Saturday sana after 5 p.m. kasi mayron akong seminar ng Sat. 8am-5pm sa Tagaytay. Sa Friday naman may biglaan meeting ako at 8:00 p.m. - onwards sa Parish. Pasensya na busy talaga.

    Pero kung decided na kayo sa Friday pupunta ako kaso di ako magtatagal. Basta makita ko lang kayo.

    ReplyDelete

Note: Only a member of this blog may post a comment.